?

Log in

No account? Create an account
pakiss nga

September 2009

S M T W T F S
  12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930   

Tags

Powered by LiveJournal.com
pakiss nga

Organizing. Archiving.


Kakakuha ko lang nang mga litrato galing kay HY. Sa ganda nang camera nya inabot nang mahigit 5Gb ang lahat nang pictures galing sa kanya. Dahil sa halos mapuno nya ang external hard drive ko, kinailangan kong mag-ayos nang ilang litrato. Kinalikot ko ang lahat nang mga folder sa aking external HDD at napansin kong halu-halo ang iba. Sa madali't salita ay sinumpong na naman ako nang pagiging OC ko.

Hala sige ayos nang ayos, kung san sang folder ako nagsuot. Hanggang sa bumungad sa akin ang ilang folder na hindi ko namalayang isa isa ko na palang tinitignan ang bawat litratong laman nuon.


Organizing.



Ang dami naming picture ni majie.

Ang dami naming pinagsamahan. Ang dami naming narating. Ang dami naming pinagdaanan. Pero sa ngayon tila ba kami ay mga estrangero nang muli. Nangingiti ako habang naalala ko ang masasaya naming litrato at nalulungkot rin naman dahil sa ngayon ay ni hindi man lamang kami nag-iimikan. Maaaring ganuon talaga ang buhay. Matagal ko nang tanggap napakalaki nang posibilidad na dito ang uwi namin. Sa hindi pagpapansinan. Subalit nananalig naman ako na balang araw ay maghihilom ang lahat nang sugat at magkakausap din kami. Alam kong masaya na sha sa kung saan man sha naroroon at kung sino man ang kasama nya. Masaya ako para sa kanila.

Andami din naming litrato ni hunhun.

Sunod ko ng nakalkal ang pictures namin ni hunhun. Hayst sandali lamang kaming nagkasama ngunit nagkaroon din naman kami nang maraming ala-ala. Lalung-lalo na ang mga ala-ala kasama ang aming mga pamilya. Masyado akong napalapit sa kanilang pamilya at ganoon din naman sya sa amin. Yun nga lamang, gaya nang kay Majie, sadyang hanggang duon na nga lamang siguro ang amin. Wala naman akong problema sa kanya dahil nag-uusap naman kami nang maayos. Walang samaan nang loob ika nga.

Gumawa ako nang main folder, pinangalanan kong SO (Significant Other, plural kasi dalawa naman sila duon). Sa loob may ginawa akong dalawa pang folder: majie at hunhun. Sinimulan i-sort ang lahat nang mga naliligaw na litrato at pinaglalalagay ko nang lahat sa kani-kanilang dapat kalagyan.

Sa lagay ngayon, mukhang may sari-sarili na silang buhay. Masaya ako para sa kanila. Panahon na para maisip ko na ang sarili ko. Alam ko na ngayon kung ano talaga ang gusto ko, ano ang ayaw ko, hanggang saan lang ang kaya kong tiisin, at kung kailan ako `Aaray`.

Maraming salamat sa lahat nang taong naging parte nang aking buhay. Hahanap ako nang litrato nung dalawa pang kolokoy (Bankie at Eight) at para pagtanda ko ay maalala ko pa rin kayong lahat.

Archiving.


Sa ngayon, paalam na muna sa inyong naging bahagi nang aking buhay. Sisimulan ko na nang tama at maayos ang buhay ko ngayon. Nawa ay hindi maputol ang linya nang komunikasyon natin. Mahal ko kayong lahat. Alam nyo yan at hindi naman mawawala na iyon.


********************
 

Right-click. Create New Folder. New Folder Created. Press F2.....
Ano kayang ilalagay ko rito?

Comments