?

Log in

No account? Create an account
pakiss nga

September 2009

S M T W T F S
  12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930   

Tags

Powered by LiveJournal.com
pakiss nga

Lips of an Angel Part 2

Ang mga bida sa aking kwento ngayon ay itatago ko na lamang sa mga code na:
BG - para sa bidang babae
BB - para sa bidang lalaki

Nangyayari sa kasalukuyan:

Nagiging malapit na si BG at BB. Nakakalabas na rin sila nang silang dalawa lang. (Note: hindi puedeng sabihin na ito ay hindi Date, utang na loob malalaki na tayo. Hindi ka gagastusan nyang lalaking yan ni isang kusing kung hindi ka nya gusto kahit 0.0000001%. Mahirap ang buhay ngayon.) Marami nang nakakapansin nang pagiging malapit nila sa isa't isa. Ngunit walang kumpirmasyon si BB kung mayroon ba siyang nararamdaman para kay BG. Para silang multo ni BG, puro lang sila pagpaparamdam.

Ang problema:

Si BG ay may `significant other` na itatago ko na lamang din sa code na JB. (O, walang kokontra ayokong gamitin code kapag pinagbaliktad mo ang letters di na baleng walang  consistency.). Matagal nang `Sila`. Yun ang sa tingin ko ay ang nagiging problema nila ngayon. Since matagal na sila, the tendency for BG is to get Bored. JB doesn't do anything bad at all eh. JB is tooooo nice.

Ang Napapansin ko:

1. Nagiging mainitin ang ulo ni BG kay JB. Even the smallest thing, kinaiinisan na nya. Hindi ito magandang senyales.
2. Nagiging clingy na ang JB. Alam kong nagkakaroon na sha nang hindi magandang kutob.
3. Iba nga ang closeness ni BG at BB. Yes, BB is a gentleman. Pero pag kay BG sha ay gentleman++. Gets? Para sa mga analyst at developer gets nyo na yan. Pero para sa mga hindi, ibig sabihin po lamang nyan ay, EXTRA Gentleman itong si BB.

(I-isolate ko lang itong #4 dahil ito ay ang pinaka importante kong obserbasyon.)

4.

Iba ang aura/glow ni BG since may ganitong pangyayari sa kanila ni BB. Matagal ko nang kilala itong si BG at ngayon ko lang sha nakitang ganyan kasaya. Sa aming lupon nang magkakaibigan sha ang Ms.Know-It-All when it comes to relationship. Sabihin mo lang ang problema mo, she's been there and done that. Panis ika nga. She can give an answer to anything in a snap! Subalit, pagdating sa usapang BB, nagugulat ako dahil parang nawala lahat ng kaalaman nya. Take note sa akin pa nagtatanong. Eh sa kanya nga ako kumukuha ng mga bright-green-ideas eh. Kahit gaano ka-stressful ang trabaho, kita mo hindi ganun ka ngarag at ka-wasted si BG. There's this spark in her eyes kapag si BB ang pinag-uusapan namin which hindi ko pa nakita sa kanya since nagkakilala kami. Sabi ko nga sa kanya eh, para kang `Babaeng nasa Hayskul na may crush sa kabilang section`.Yung tipong kalabit nang kalabit kapag nakitang dumadaan sa tapat ng classroom yung crush nya. I can really say na as of this time, BB is that `something-to-look-forward-to` sa pang araw-araw na buhay ni BB. BB inspires her.
Considering she already has JB at her side for so long na ha. Si BB ang nagsasabi sa kanya na subukan ang mga bagay bagay na sa tingin ni BG ay hindi nya kaya or doubtful nya. Ang point kasi ni BB eh, `At least na-try mo.` And that makes her feel good about herself.

********************

 
Sa tingin ko, kapag tumagal itong current situtation ninyo ni BB, may masasaktan at yun ay si JB. (kahit pa sabihing hindi nya alam) Why? because JB is losing you bit by bit. Yes, you are physically there but emotionally absent. It's very hard for a person to be physically present with someone while thinking of somebody else. It doesn't makes sense. Though hindi naman ito sinasadya, eh lahat naman nahihirapan. You never planned for this to happen. Things just fallen out of balance with you and JB and found your balance again with BB. Hindi sa kunsitidor ako or something BUT, if something in your head says, `What if`, then there's something definitely wrong. I know you very well and I can sincerely feel that this isn't just plain curiosity or even physical attraction. BB has slowly entered your system when you least expected it. He came like a thief in the night. 

Don't wait for the chance, make it. (sama ko ba?) I'm not saying na BB would be better than JB. JB could be a lot more better than BB actually BUT you should not let things pass between you and BB. Don't let him be `The one who got away.` JB could be the one whom you can be with for the rest of your waking lives pero hindi ba ang hirap ipagpatuloy ang isang relasyon na mayroong gayang problema lagi? You can't continue hurting JB forever. You can't continue hurting yourself forever.

Gaya ko, nag-aantay ka rin lang nang magpapatino sayo. There's no assurance that BB is the ONE. But you will never find out until you give it a chance. Papano mangyayari un? Gaya nang lagi mong sinasabi sa aking `that can be arranged...`. Patience is not your virtue but, aren't you amazed that with BB nagkakaroon ka nang pasensha? Nakakapagtimpi at nakakapag-tiis ka db? You should take note of the small things, because they are the ones that really matter.

Iiwan ko sa iyo ang mga salitang, sa bibig mismo ni BB nanggaling..... `AT LEAST NA-TRY MO`.
 
 
Tags:

Comments

Ni isang kusing?

"Note: hindi puedeng sabihin na ito ay hindi Date, utang na loob malalaki na tayo. Hindi ka gagastusan nyang lalaking yan ni isang kusing kung hindi ka nya gusto kahit 0.0000001%. Mahirap ang buhay ngayon"

Natawa naman ako sa part na ito. Pano kung hindi ka naman talaga ginagastusan nung guy? What if yung mga labas niyo ng kayong dalawa lang eh KKB naman?