?

Log in

No account? Create an account
pakiss nga

September 2009

S M T W T F S
  12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930   

Tags

Syndicate

RSS Atom
Powered by LiveJournal.com

Sep. 26th, 2009

Sa Aking Kwarto

Ito na ang modified version na sadyang binago para maging akma sa akwal na nangyari:


********************

Naglinis na ako ng aking kwarto
Na punong-puno ng sakit at damit
Mga bagay na hindi ko na kailangan
Mga Nakaraang hindi na pwedeng pagpaliban

Oohh… Oohh…

Mga liham ng nilihim kong pag-ibig
At litrato ng kahapong maligalig
Dahan-dahan kong inipon
Ngunit ngayo'y naitapon ko na

CHORUS

Di na ako nabubuhay sa kahapon
Kaya mula ngayon, mula ngayon

Mga gamit nyong nabubulok sa sulok
Na inaalikabok na sa lungkot
May panyong ilang ulit nang niluhaan
Isang patak sa bawat beses na tayo’y nasaktan

REPEAT CHORUS

Mula ngayon

Ala-ala ng lumuluhang kahapon
Ay naikahon ko na
Natagpuan ko na ang tunay kong ligaya
Lumabas ako ng kwarto’t naroon siya

(tinaboy ko na pauli-uli nandon pa rin tlg, ang tibay!)

Magpapaalam na sa inyo ang aking kwarto (4x)
Magpapaalam na sa inyo(3x)
Magpapaalam na sa inyo ang aking kwarto

********************
 
Simula sa aking unang naging S.O., hindi ko pa nagawa at naisipang imisin ang mga
memorabilya nila. Subalit, dahil nagdesisyon akong mag-move on totally mula sa lahat
nang attachment ko sa nakaraan, isa isa kong nilikom ang mga bagay na may kinalaman
sa aking nakaraan.
 
Sa buong buhay ko ngayon ko lamang nagawa ang ganuong bagay. Ako kasi ang tipo na
laging tinatago ultimo balat nang kendi at tissue.  Hindi na ako ganoon ngayon. 
Nag-aayos na talaga ako nang buhay ko. Nais kong maging `past-free` ang aking kasalukuyan
at hinaharap. Sarili itong desisyon, hindi ako naimpluwenshahan nang ibang tao.

Gaya isa sa thought nang palabas sa sinehan na `UP`,  kailangang imisin, isangtabi, at itapon
na ang mga lumang bagay at kagamitan upang magbigay daan sa mga bagong bagay na paparating.

Matagal ko nang nais isulat ang tungkol sa bagay na ito ngunit dahil sa tambak ang gawain ko sa
trabaho ay ngayon lamang ako nagka-oras. Anim hanggang pitong linggo rin yung pukpukan sa trabaho.

Tapos na ang nakaraan. Tapos na tapos na.

Matagal tagal na ring nagsimula ang bago kong buhay.
Hindi ko lamang inaasahan na may darating upang magdagdag nang bagong kulay sa
napaka-kulay ko nang buhay.



Thank you for making me happee. ^_^

 

Aug. 31st, 2009

Organizing. Archiving.


Kakakuha ko lang nang mga litrato galing kay HY. Sa ganda nang camera nya inabot nang mahigit 5Gb ang lahat nang pictures galing sa kanya. Dahil sa halos mapuno nya ang external hard drive ko, kinailangan kong mag-ayos nang ilang litrato. Kinalikot ko ang lahat nang mga folder sa aking external HDD at napansin kong halu-halo ang iba. Sa madali't salita ay sinumpong na naman ako nang pagiging OC ko.

Hala sige ayos nang ayos, kung san sang folder ako nagsuot. Hanggang sa bumungad sa akin ang ilang folder na hindi ko namalayang isa isa ko na palang tinitignan ang bawat litratong laman nuon.


Organizing.



Ang dami naming picture ni majie.

Ang dami naming pinagsamahan. Ang dami naming narating. Ang dami naming pinagdaanan. Pero sa ngayon tila ba kami ay mga estrangero nang muli. Nangingiti ako habang naalala ko ang masasaya naming litrato at nalulungkot rin naman dahil sa ngayon ay ni hindi man lamang kami nag-iimikan. Maaaring ganuon talaga ang buhay. Matagal ko nang tanggap napakalaki nang posibilidad na dito ang uwi namin. Sa hindi pagpapansinan. Subalit nananalig naman ako na balang araw ay maghihilom ang lahat nang sugat at magkakausap din kami. Alam kong masaya na sha sa kung saan man sha naroroon at kung sino man ang kasama nya. Masaya ako para sa kanila.

Andami din naming litrato ni hunhun.

Sunod ko ng nakalkal ang pictures namin ni hunhun. Hayst sandali lamang kaming nagkasama ngunit nagkaroon din naman kami nang maraming ala-ala. Lalung-lalo na ang mga ala-ala kasama ang aming mga pamilya. Masyado akong napalapit sa kanilang pamilya at ganoon din naman sya sa amin. Yun nga lamang, gaya nang kay Majie, sadyang hanggang duon na nga lamang siguro ang amin. Wala naman akong problema sa kanya dahil nag-uusap naman kami nang maayos. Walang samaan nang loob ika nga.

Gumawa ako nang main folder, pinangalanan kong SO (Significant Other, plural kasi dalawa naman sila duon). Sa loob may ginawa akong dalawa pang folder: majie at hunhun. Sinimulan i-sort ang lahat nang mga naliligaw na litrato at pinaglalalagay ko nang lahat sa kani-kanilang dapat kalagyan.

Sa lagay ngayon, mukhang may sari-sarili na silang buhay. Masaya ako para sa kanila. Panahon na para maisip ko na ang sarili ko. Alam ko na ngayon kung ano talaga ang gusto ko, ano ang ayaw ko, hanggang saan lang ang kaya kong tiisin, at kung kailan ako `Aaray`.

Maraming salamat sa lahat nang taong naging parte nang aking buhay. Hahanap ako nang litrato nung dalawa pang kolokoy (Bankie at Eight) at para pagtanda ko ay maalala ko pa rin kayong lahat.

Archiving.


Sa ngayon, paalam na muna sa inyong naging bahagi nang aking buhay. Sisimulan ko na nang tama at maayos ang buhay ko ngayon. Nawa ay hindi maputol ang linya nang komunikasyon natin. Mahal ko kayong lahat. Alam nyo yan at hindi naman mawawala na iyon.


********************
 

Right-click. Create New Folder. New Folder Created. Press F2.....
Ano kayang ilalagay ko rito?

Aug. 22nd, 2009

Lips of an Angel Part 2

Ang mga bida sa aking kwento ngayon ay itatago ko na lamang sa mga code na:
BG - para sa bidang babae
BB - para sa bidang lalaki

Nangyayari sa kasalukuyan:

Nagiging malapit na si BG at BB. Nakakalabas na rin sila nang silang dalawa lang. (Note: hindi puedeng sabihin na ito ay hindi Date, utang na loob malalaki na tayo. Hindi ka gagastusan nyang lalaking yan ni isang kusing kung hindi ka nya gusto kahit 0.0000001%. Mahirap ang buhay ngayon.) Marami nang nakakapansin nang pagiging malapit nila sa isa't isa. Ngunit walang kumpirmasyon si BB kung mayroon ba siyang nararamdaman para kay BG. Para silang multo ni BG, puro lang sila pagpaparamdam.

Ang problema:

Si BG ay may `significant other` na itatago ko na lamang din sa code na JB. (O, walang kokontra ayokong gamitin code kapag pinagbaliktad mo ang letters di na baleng walang  consistency.). Matagal nang `Sila`. Yun ang sa tingin ko ay ang nagiging problema nila ngayon. Since matagal na sila, the tendency for BG is to get Bored. JB doesn't do anything bad at all eh. JB is tooooo nice.

Ang Napapansin ko:

1. Nagiging mainitin ang ulo ni BG kay JB. Even the smallest thing, kinaiinisan na nya. Hindi ito magandang senyales.
2. Nagiging clingy na ang JB. Alam kong nagkakaroon na sha nang hindi magandang kutob.
3. Iba nga ang closeness ni BG at BB. Yes, BB is a gentleman. Pero pag kay BG sha ay gentleman++. Gets? Para sa mga analyst at developer gets nyo na yan. Pero para sa mga hindi, ibig sabihin po lamang nyan ay, EXTRA Gentleman itong si BB.

(I-isolate ko lang itong #4 dahil ito ay ang pinaka importante kong obserbasyon.)

4.

Iba ang aura/glow ni BG since may ganitong pangyayari sa kanila ni BB. Matagal ko nang kilala itong si BG at ngayon ko lang sha nakitang ganyan kasaya. Sa aming lupon nang magkakaibigan sha ang Ms.Know-It-All when it comes to relationship. Sabihin mo lang ang problema mo, she's been there and done that. Panis ika nga. She can give an answer to anything in a snap! Subalit, pagdating sa usapang BB, nagugulat ako dahil parang nawala lahat ng kaalaman nya. Take note sa akin pa nagtatanong. Eh sa kanya nga ako kumukuha ng mga bright-green-ideas eh. Kahit gaano ka-stressful ang trabaho, kita mo hindi ganun ka ngarag at ka-wasted si BG. There's this spark in her eyes kapag si BB ang pinag-uusapan namin which hindi ko pa nakita sa kanya since nagkakilala kami. Sabi ko nga sa kanya eh, para kang `Babaeng nasa Hayskul na may crush sa kabilang section`.Yung tipong kalabit nang kalabit kapag nakitang dumadaan sa tapat ng classroom yung crush nya. I can really say na as of this time, BB is that `something-to-look-forward-to` sa pang araw-araw na buhay ni BB. BB inspires her.
Considering she already has JB at her side for so long na ha. Si BB ang nagsasabi sa kanya na subukan ang mga bagay bagay na sa tingin ni BG ay hindi nya kaya or doubtful nya. Ang point kasi ni BB eh, `At least na-try mo.` And that makes her feel good about herself.

********************

 
Sa tingin ko, kapag tumagal itong current situtation ninyo ni BB, may masasaktan at yun ay si JB. (kahit pa sabihing hindi nya alam) Why? because JB is losing you bit by bit. Yes, you are physically there but emotionally absent. It's very hard for a person to be physically present with someone while thinking of somebody else. It doesn't makes sense. Though hindi naman ito sinasadya, eh lahat naman nahihirapan. You never planned for this to happen. Things just fallen out of balance with you and JB and found your balance again with BB. Hindi sa kunsitidor ako or something BUT, if something in your head says, `What if`, then there's something definitely wrong. I know you very well and I can sincerely feel that this isn't just plain curiosity or even physical attraction. BB has slowly entered your system when you least expected it. He came like a thief in the night. 

Don't wait for the chance, make it. (sama ko ba?) I'm not saying na BB would be better than JB. JB could be a lot more better than BB actually BUT you should not let things pass between you and BB. Don't let him be `The one who got away.` JB could be the one whom you can be with for the rest of your waking lives pero hindi ba ang hirap ipagpatuloy ang isang relasyon na mayroong gayang problema lagi? You can't continue hurting JB forever. You can't continue hurting yourself forever.

Gaya ko, nag-aantay ka rin lang nang magpapatino sayo. There's no assurance that BB is the ONE. But you will never find out until you give it a chance. Papano mangyayari un? Gaya nang lagi mong sinasabi sa aking `that can be arranged...`. Patience is not your virtue but, aren't you amazed that with BB nagkakaroon ka nang pasensha? Nakakapagtimpi at nakakapag-tiis ka db? You should take note of the small things, because they are the ones that really matter.

Iiwan ko sa iyo ang mga salitang, sa bibig mismo ni BB nanggaling..... `AT LEAST NA-TRY MO`.
 
 
Tags:

Aug. 15th, 2009

Starting All Over Again

Simula. Simula uli.

Halos mag-iisang taon na nang aking i-archive ang lahat ng aking naisulat dito.
Iniwan kong walang laman ito dahil sabi ko sa sarili ko babalikan ko kapag handa na akong magsimula uli.

Heto, nag-susulat na akong muli.
Magsisimula na ako ng panibago ngunit bago iyon, nais ko munang pasalamatan ang lahat ng naging bahagi
ng aking nakaraan. Salamat sa lahat ng masasayang ala-ala. Marami akong natutunan mula sa inyo na naging dahilan
upang maturan ko kung ano ba talaga ang gusto ko, ayaw ko, kailan papalag at magsasabi ng `Aray`.

Mga Kaibigan, this is Dada now signing ON.